RSS

Category Archives: Sining

“I see you.”

Luxury sa akin ang manood ng sine at kahit sa DVD.

Kalimitan nakakapanood lang ako sa bus, tuwing nagbiyahe ako papapunta kung saan-saan. Pero minsan mas gusto ko pang matulog na lang kesa manood.

Ang huli kong napanood sa bus ay yung ‘Little Big Soldier’ ni Jackie Chan. Kwentong digmaaan tungkol sa isang simpleng mandirigmang nakahuli ng isang general na ang pakay nya sa paghuli ay para magkareward at maexempt na sa military service. Maganda, nakakatuwa, maaksyon at xempre nandun pa rin yung Jackie Chan na nakakatawa pero kalungkot yung ending, ang tragic kasi. Namatay si Jackie Chan sa pelikula!

 

 

Kanina (pagkagaling ko Mt. Olympus) nakahanap ako ng oras para manood sa DVD. Marami akong pinagpilian… isa na doon ang Iron Man 1. Gusto ko sanang mapanood ulit ang IM1 kasi malay ko baka sakaling mapanood ko yung Iron Man 2. E di madali kong marerelate yung 2 sa 1.

Pero nakatawag- pansin sa akin yung DVD na may mukha ng kulay asul na alien, ang AVATAR. Napanood ko na ‘to sa bus kaso di ko matapos- tapos kasi bago pa ang ending e nakakarating na ko sa lugar na bababaan ko. Para matapos na ang kwentong bitin, pinanood ko na ito with matching Boy Bawang at isang mug ng ice- cold Coke. (Ahhh! Sarap!)

 

Buong akala ko marerelax ako sa pelikulang ‘to pero BADTRIP ako nung mapanood ko. Di kasi ako umiiyak sa mga pelikula, pero kanina feeling ko isa ako sa mga Na’vi. Naiinis ako sa mga tao dun sa kwento. Totoo kasi. Minsan akala nating mga tao, alam na natin ang lahat sa mundo at nasa kamay na natin ang mga desisyon. Habang tumatalino ang tao, unti- unti nawawala ang respeto nya… sa kapwa, sa kalikasan at sa lahat ng bagay na may buhay. May ibang naghahari-harian at nagdudunung- dunungan sa mundong akala nya ay pag-aari nya. Umaabuso na din talaga ang mga tao. Wag na tyong lumayo pa, tingnan na lang natin ang mga nangyayari sa atin dito sa Pilipinas.

Ano na nga ba ang mahalaga sa tao ngayon? Power? Pera? Materyal na bagay? Kasikatan?

Nakakalungkot isiping may mga iba sa atin na nabubulag at tuluyan ng nagpalamon sa magnet ng kamunduhan.

Pero pwede pa namang magbago. Sana lang hindi pa huli ang lahat para sa atin. Sana.

Photo Source: The World Wide Web

Advertisements
 
8 Comments

Posted by on May 1, 2010 in Buhay-buhay, Sining