RSS

Category Archives: Nagpapasaya

Unadulterated Sweetness

 

Feb 14, Araw ng mga Puso… kaliwa’t kanan ang mga may dalang bugkos ng kulay dugong mga rosas, ang mga magsing-irog na HHWW, halos lahat ng taong nakakasalubong ko ay nakangiti at punong-puno ng L-O-V-E, ang mga motel na nadaanan ko sa StopNshop at sa EDSA-Pasay big time ang mga promo pero wag ka me nakita akong grupo ng mga matitikas na kalalakihan na nakatayo sa harap nito at may hawak na mga placards na ang makasulat ay: “SEX BEFORE MARRIAGE IS A SIN” (hmmm, me mga tinamaan kaya?) at ang sigaw naman ng mga single sa FB ay “Today is SAD!” (as in Single’s Awareness Day).

Parang isang dosenang langgam ang kumagat sa akin, nakakakilig naman kasi ang pag-express ng sweetness ng mga mga tao sa kanilang mga ‘significant other’. Me nakita akong guy na nakatayo sa tapat ng gate ng Jose Reyes Hospital sa ilalim ng kainitan ng sikat ng araw sa may dalang bulaklak at nakailang silip na sa gate, mukhang susurpresahin nya ang SO nya na palabas mula sa isang nakakapagod na duty. Meron namang gumawa ng makatunaw-pusong note tulad nalang ng SO ni Astroboy. Meron ding nabigay ng isang pulutong ng maliliit na bears na me hawak na mga letra na kapag binuo mo ay may nakasulat na I-HEART-YOU, ___! Iba’t-ibang paraan ng pagpapahayag ng pag-ibig, kanya-kanyang gimik para mapasaya ang kabiyak pero pano naman kung tapos na ang Araw ng mga Puso, sweet pa rin kaya sila sa isa’t-isa? (Wala lang pambasag trip lang na tanong mula sa isang single, hehe!)

Speaking of sweetness, bigla ko tuloy naalala nung minsang nakatanggap ako ng bulaklak sa kauna-una at kahuli-hulihang (?) pagkakataon…

Hulyo, taong 2006. (Bagong- bago no?) Mula sa trabaho, naisipan kong pumunta sa Elbi para dalawin ang kaibigang katatapos lang magbirthday, tamang-tama rin naman at Miyerkules, makakapagsimba at novena na din ako sa St. Therese Chapel. As usual pumuwesto ako sa paborito kong spot sa chapel simula pa nung istupidyante pa ko sa Elbi, dun sa upuang bato sa malapit sa may Adoration Chapel. Comfort zone ko yun kasi bukod sa malimit akong late dumating e madali rin makaeskapo kapag tapos na ang misa plus maganda ang view para makita ang crush (es). Hehehe.

Pagkatapos ng misa, tulad ng dati, tumuloy ako sa Adoration chapel. Yun ang totong comfort zone ko at ng mga estudyanteng tulad ko rin ay ramdam ang Newton’s Law of Gravity dahil nanganganib na bumagsak sa Chem 40, Math 11; ng mga estudyanteng Professor si Climax; mga broken-hearted pati na rin ng mga gustong magka-SO; at syempre, ng mga magbo-board exams.

Paglabas ko mula sa katahimikan ng Adoration Chapel, dinumog ako ng sandamukal na ‘sampaguita girls and boys’ at pinipilit akong bumili ng paninda nilang… sampaguita (op kors!). E kaso, hindi ko gawain ang mag-alay ng bulaklak sa Poon kaya humingi ako ng pasensya. Pero may isang batang babaeng sobrang kulit at mapilit, bilhin ko na raw yung tinda nya para may pambaon sya kinabukasan pagpasok sa eskwela. May sa Cory (hindi kabayanihan kundi kakuri-putan) ako e kaya hindi pa rin ako bumili. Para di maubos ang pasensya ko, naisipan kong maglakad-lakad na muna sa Grove bago dumerecho sa LB Square kung saan kami magdi-dinner ng kaibigan ko.

Habang nakatayo ako sa LB Square, me biglang kumalabit sa akin. Paglingon ko, “What?! Ikaw na naman?!”, sambit ko. Si Sampaguita girl! “Sige na po, bilhin nyo na po ang sampaguita ko para makauwi na po ako.” ang sabi nya. Napatingin ako bigla sa relo ko. Aba, alas-7 na pala wala pa rin ang kaibigan ko. Patuloy pa rin sa pangungulit si Sampaguita girl. At dahil nasa alert level na ang patience meter ko, binili ko ng lahat ng tinda nyang sampaguita. 50 pesos para sa limang pirasong kwintas ng sampaguita. Abot-tenga ang ngiti niya habang inaabot ko ang pera sa kanya. Kung sya nakangiti ako kunot ang noo at nag-iisip kung ano naman ba ang gagawin ko sa mga bulaklak na binili ko? Sinilid ko sa backpack ang mga bulaklak sabay tingin sa malayo. Ayun at natatanaw ko na rin sa wakas ang kaibigan ko sa kabilang dulo ng kalsada. Hay, salamat.

Habang hinihintay kong makarating sa kinatatayuan ko ang kaibigan ko, me biglang na namang kumalabit sa akin. Paglingon ko, “What?! Ikaw nanam….?” Bago pa ko makulitan at bago ko pa matapos ang dapat kong sabihin, tumambad sa harap ko ang 3 maliliit na bulaklak na bagong pitas mula sa isa sa mga flower box sa harap ng LB Square. “Para po sa inyo.”, ani Sampaguita girl, kasama nito ang isang napakatamis na ngiti sabay talikod at patalun-talong tumatakbo papalayo ngunit bago pa sya tutuluyang mawala sa paningin ko, lumingon sya ng bahagya sa direksyon ko at muli, isang masayang ngiti at kaway ang pinabaon nya sa akin. Sinuklian ko ito ng ngiti at itinaas ko ng bahagya ang aking kanang kamay, hawak ang mga bulaklak na bigay nya at pabulong na binigkas ang salitang…“Salamat!”

Parang segment sa isang pelikula ang dating. Biglang, “Uy, Chicken Feet!” Huh?! Ang kaibigan ko nasa tabi ko na pala. Panira ng moment! 😀

Inipit ko sa wallet yung mga bulaklak na binigay ni Sampaguita girl kaso nagkalasug-lasog na ito sa sobrang kalumaan. Nadurog man ng panahon ang mga bulaklak mananatili pa ring nakaukit sa aking puso at isip ang isang pangyayaring patuloy na magpapaalala ng tamis ng isang unadulterated sweetness.

Yaman din lamang na wala akong regalo para sa kaibigan ko— ginawa ko na lang birthday gift sa kanya yung 5 kwintas ng sampaguita. 🙂

Photo Source: The World Wide Web

Advertisements
 
 

unang hirit sa umagang kay ganda!

araw- araw iba’t ibang klase aking umaga, may umagang…

… gumigising sa maling banda ng kama

… galing sa gabing walaaaang tulog in other words puyat dahil sa work! (weh!) sige na nga minsan dahil sa outreach activities as in reach out your glasses and … cheers! glug! glug! glug!

… tinatamad maligo (minsan lang naman to pagbigyan nyo na!)

… ginigising ng mga kiliti at yakap ni mama (waaah! pinakagusto ko to!)

… pawis na pawis (dahil mainit, la kaming a/c e!)

… di makahinga dahil nakapatong sa mukha ko ang unan, nakikisiksik pa ang mga alaga kong sina garfield at si flipper plus yung mga abubots ko pa like notebook, libro nina bob ong, james herriot, atbp. na hanggang ngayon ay di ko pa natatapos, ballpen, hand-outs, medyas (parang dagat ng basura)

… masakit ang tenga dahil sa lakas ng ingay mula sa videoke bar sa neighborhood (zo-hom-beh! zo-hom-beh! zo-hom-beh! eh! eh! eh! yehebah! yay-yay-yah!)

… nagtatatakbo papuntang CR dahil  ihing- ihi na (aminin nyo ganyan din kayo minsan!)

… amoy tuyo/bulad/hawot/daing ang kwarto

… hinihingal (dahil hinahabol ako ng momo sa panaginip! :D)

… nagigising sa kanta ng bunsong kapatid ko (To dream the impossible dream… To bear with unbearable sorrow… To run where the brave dare not go… This is my quest a-hu-a-hu!)

… cramming dahil male-late na sa trabaho! (patay na naman ako nito ke boss!)

… sumisilip sa bintana para tingnan ang moon at stars habang nagbubukang-liwayway (naks! MTV ang drama!)

… umiyak habang tinitingnan ang mukha sa salamin dahil… may stye (sosyal! hmph! sige na nga kuliti na lang!) o kaya pimple sa ilong o sa pisngi (badtrip minus cute points, tsk! tsk! nyahah! dream on!)

… at tuwing Lunes hangang Sabado ginigising ng boses, tawa at kulitan nila chico and delamar at mga top ten entries ng mga witty rushers sa the morning rush ng rx93.1!

Sa totoo lang nakakainis makinig dito kasi kapag maganda ang gising ko lalo pang gumaganda, kapag masaya ang gising ko lalo pang sumasaya, kapag gusto kong mag-emo mode sa umaga bigo ako dahil sa kanila, kapag naman pangit ang gising ko, 180 degrees binabago nila, ayun yung grouchy face nagli-lighten up at nagiging smiling face.

(hay naku! kainis talaga kasi lagi na lang na-oover excercise ang mga facial muscles ko dahil sa kanila! 🙂 )

Eto din ang dahilan kung bakit minsan tinatamad akong maligo, nale-late sa trabaho, di attentive sa mga sinasabi ng kausap kasi ayaw kong may ma-miss sa mga hirit nila C&D at top10, lagi akong nagmumukhang tanga sa jeep, sa kotse, sa daan, sa mrt, sa bus kasi bumubungisngis akong mag-isa minsan nga lumalayo na sa akin yung mga katabi ko o makakasalubong ko (hindi nila alam mild pa yun! hi! sa mga kakosa ko sa Pavillion 3! harhar!).

At xemps naman para mejo IN ako at lume-level sa mga kasabay kong yuppies, nakaheadset ako habang nakikinig sa TMR (astig sa porma pero di nila alam kung saan nakakabit ang kabilang dulo ng headset ko).

Eto ang sikreto kong malufet!

Paglabas ko kasi ng bahay, dito ko na tinutuloy ang pakikinig sa TMR…

Presenting….! Precy Sison, my transistor radio!

Jologs ba?! (heh! walang pakialamanan kasi!)


Haha! Static pa yan minsan!

(ewan na lang kung magkainteres pa ang mga mandurukot sa radyo ko)

Pero xempre kahit anong klase pang umaga ang gumising sa akin at bago pa man ako makinig sa TMR, di pwedeng di ko kausapin ang aking Savior at Ulimate Love na si JC (Jesus Christ). Maniwala kayo sa hindi… Siya talaga ang unang hirit ko sa umagang kay ganda! Sana kayo din!

 
8 Comments

Posted by on April 6, 2010 in Buhay-buhay, Nagpapasaya