RSS

Adidas, U Lyk?

“Kuya, pakibaba lang po ako sa may manukan. Salamat.”

Yan ang malimit kong ipaalala sa kunduktor sa tuwing magbayad ako ng pamasahe.

Bukod sa tao, halos buong araw manok ang kasalamuha ko. Alam nyo ba na ang manok ay isa sa mga hayop na walang sayang kasi lahat dito ay pwedeng mapakinabangan simula ulo hanggang paa, isama mo na ang balahibo at dugo.

At sa lahat ng kinakaing parte ng manok, paa at ulo nalang ang di ko pa nakakain. Pero noong nakaraan taon (2009) natutunan kong kainin ang paa ng manok dahil sa isang sosyal na kaibigan. Oo, sosyal na kaibigang walang kaartehan at ere sa katawan, down to earth ‘ika nga. Isang araw, nang mapadpad kami sa sa Greenhills para mag-shopping, niyaya nya akong kumain sa favorite n’yang Chinese restaurant, ang Le Ching, para daw matuto akong kumain ng paa ng manok. At dahil wala akong karapatang mag-inarte sa harap ng isang totoong sosyal at dahil may pagka-daring din naman ako pagdating sa pagkain. Pumayag ako. Kung palaka nga, nakain ko eto pa kayang paa lang ng manok? Ah! chicken lang ‘to! Kaya pikit-mata kong sinubo  at ninamnam ang malaki, malambot at mala-bubblegum na chicken feet hanggang sa mabigkas ko ang katagang… RAPSA! Le Ching paa ng manok yan di ko akalaing ganun pala sya kasarap? 🙂 At dahil sa katuwaan ko, ako ang nagbayad ng kinain namin. Di naman xa kumontra.

Simula noon, nag-iba na ang tingin ko sa mga chicken feet. Ang chicken feet na laging makikita sa mga BBQ-han sa kanto, sa menu ng mga fast-food o mamahaling restoran, kinakain ng simpleng tao, mayayaman at maging ng mga emperor ng Tsina noong unang panahon. Ang chicken feet na tinatawag ding chicken paw… phoenix talons… chicken dust… pag pinagsama mo ang ulo at paa: walkie talkie… chicken dust… at sa atin sa Pinas ito ay adidas.

Ang payak na mga paang nakilala ko dahil sa isang espesyal na tao sa isang sa espesyal na paraan sa isang ordinaryong pagkakataon ngayon ay nagpapaalala sa akin sa kasabihang: “Don’t judge the book by its cover”. Na wag nating maliitin o husgahan ang isang bagay lalo na ang isang tao dahil sa kanyang anyo at pagkatao kung di pa natin ito nakikilala ng lubusan.

Lahat tayo ay nilikha ng Diyos na may halaga at kanya-kanyang katangian, kakayahan at obligasyong dapat gampanan tulad iba’t-ibang bahagi ng ating katawan. Mas maganda ang eksplanasyon nito sa 1 Corinthians 12: 12-26, isa to sa mga favorite Bible verses ko. Sana maging sa ‘yo din. 😉

Ako si CHICKEN FEET.

Simpleng tao.

Katulad mo,

May halaga.

Hanggang sa muli!!!

 

Advertisements
 

8 responses to “Adidas, U Lyk?

  1. jonathan

    April 14, 2010 at 5:38 pm

    paborito ko yan…

     
    • curiousclaw

      April 14, 2010 at 8:22 pm

      hallo! kelan ko lang xang natutunang kainin… di ko akalaing masarap pala. 🙂

      salamat sa pagdaan dito, sana makabalik ka ulit.

       
  2. Pong

    June 19, 2010 at 12:55 pm

    perstaym ko po dito adidas, chicken feet, curious claw

    be blessed!

     
    • curiousclaw

      June 21, 2010 at 6:19 pm

      hindi man updated ang blog ko sa ngayon pero salamat sa pag dalaw dito. isang karangalan ang mabisita ng nag-iisang Pong – Mizpah. 🙂 Apir!

       
  3. Energizer!!!

    July 28, 2010 at 3:01 pm

    I’m really glad to have found you in the blog-universe. And, I want to come back for more chicken feet servings when I have more time. 🙂

    Peace! 🙂

     
    • curiousclaw

      July 29, 2010 at 8:48 pm

      Energizer!!! Maayong gabii!

      Waaah! Nasorpresa ako sa pagkakahanap mo sa hideout ko dito sa blogosperyo! 😀 Sana ma-enjoy mo ang mga susunod ko pang mga serving. 😀

      Salamat ng marami sa pag-appreciate.

      See you around!

       
      • Eto pa rin ako!

        August 4, 2010 at 1:40 am

        J.Lo! J.Lo! J.Lo! 🙂

        Ni-add pala kita sa links ko, ha? If you want to check it out, just click on the “Into Blogging” icon doon sa sidebar ng blog ko. 🙂

         
  4. curiousclaw

    August 4, 2010 at 9:45 pm

    Awww! Thanks, E2! It’s an honor to see my name listed in your links. 🙂

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: