RSS

Isang Kahig, Isang Tuka…

Ako si CuriousClaw. Pwede mo rin akong tawagin sa pangalang ChickenFeet.

Ano ba ang masasabi ko tungkol sa sarili ko? Umpisahan natin. Maglilista ako ng sampu. Sana wag magbago ang isip mo at tuluyan ng dedmahin ang pagbabasa ng blog ko…

1. Me kilala ka bang boring na tao? Sigurado mas boring ako doon.

2. E manhid? Malamang mas bato pa ko sa kanya. SRB ako e. Lam ba kung ano yun? Stone. Rock. Bato. Kainis no?!

3. Buti pa ang hangin may direksyon. Ako wala.

4. I love animals. Sa bahay, meron akong pusa ang pangalan Garfield, whale na binansagan ko namang Flipper, baboy, baka, at kabayo na walang mga pangalan. Astig di ba? Nga lang, kung hindi sila stuffedtoys, figurine sila o kaya naman ay alkansya…

5. Kung ang pagong mabagal, ako, mas mabilis naman ako ng konti. Kasi naniniwala ako sa kasabihang “SLOWLY BUT SURELY.”

6. Anong mas gusto mo maingay o tahimik? Since boring ako, tahimik ako. (bakit ba? walang pakialamanan!)  Pero di naman ako sobrang tahimik. Kasi kung 100% akong tahimik aba’y baka 6ft. under na ko nun!

7. Me kilala ka bang sinasawsaw sa ketsap ang laman ng ginataang alimango? Pwes kung meron, pareho kami ng talent.

8. Mahilig akong uminom ng kape… kapeng mainit, palalamigin saka iinumin. Yun ang trip ko. Sensitive kasi ang dila ko e! Kailangang lagi itong in good working condition kasi mahalaga xa sa pagdila ko sa… sobre! (kaw naman!)

9. Jologs… Tumpak! Jologs ako! Pero sa palagay ko naman, sa lahat ng jologs ako lang ang may taste… really bad taste! (waaaahhh!)

10. Ako ay matulungin na tao, este, matulugin. As in antukin. Ansarap kayang matulog, di ba?! Pero wag muna panghabang-buhay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay…

Ayan! Meron na akong nailistang sampung katangi-tangi kong katangian na maari kong aminin o itanggi dahil hindi lahat ng nakasulat sa itaas ay totoo.

Kaya ito ay ISANG BABALA! WAG AKONG TULARAN, NAKAKABATO!

Advertisements
 

9 responses to “Isang Kahig, Isang Tuka…

  1. miss.dr4g0nfLy

    March 25, 2010 at 11:04 pm

    magkakasundo tayo sa maraming bagay. lalo na sa pang sampu. wahahah.

    thank you, i’ll link you up na rin.
    dadalaw ulit ako dito. 😉

     
    • curiousclaw

      March 26, 2010 at 10:33 pm

      salamat ng marami sa pagtambay dito at lalo na sa paglink!
      magparamdam ka tuwing dadalaw ka dito ha para mabigyan din kita kahit biskwit o kaya sopdrinks habang nagbabasa-basa ka. (hehehe)

       
  2. karen

    July 14, 2010 at 10:41 am

    may similarities pala tayo, especially number 2. lol

    dadalaw ako ulit dito.

     
    • curiousclaw

      July 14, 2010 at 9:56 pm

      hahaha welcome to the club!

      cge, cge, aantayin ko ang iyong muling pagbabalik! 😀

       
  3. Nortehanon

    May 4, 2011 at 4:01 pm

    I love chicken feet, yung medyo spicy hahaha.

    Nice to know some things about you through the list you have provided. Parang gusto ko ring gumawa ng ganyang listahan 🙂

     
    • curiousclaw

      May 5, 2011 at 10:09 am

      Hi Nortehanon! Salamat sa pagbisita at sa pag-iwan ng mensahe. Isang karangalan para sa aking payak na blog ang bisitahin ng isang mahusay na blogger/photographer/backpacker.

      Tama, subukan mo ding gumawa ng list about you, masaya yun lalo pagbabalikan mo na yung nakasulat sa listahan mo. 🙂

       
  4. 2ishom

    December 11, 2011 at 6:16 pm

    Katuwa naman 2ng blog mo…di ako mahihirapang magconcentrate mag-ingles hehehe..Last update mo is May…busy na ba?

     
    • curiousclaw

      December 12, 2011 at 9:33 am

      Hi 2ishom!

      Maraming salamat sa pagbasa at pag-appreciate ng blog ko kahit luma na ang huling entry. 🙂 Tama ka mejo busy talaga nitong mga nakaraang buwan kaya pansamantala kong naisasantabi ang pag-update sa blog. Sana sa pagbalik mo dito, me bago na ulit akong entry. 🙂 🙂

       
  5. Nortehanon

    April 12, 2012 at 5:41 pm

    Magandang hapon, Chicken Feet! 🙂 Thank you so much for the email! You are so sweet, my dear. I already replied to it 😉

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: