RSS

“I see you.”

01 May

Luxury sa akin ang manood ng sine at kahit sa DVD.

Kalimitan nakakapanood lang ako sa bus, tuwing nagbiyahe ako papapunta kung saan-saan. Pero minsan mas gusto ko pang matulog na lang kesa manood.

Ang huli kong napanood sa bus ay yung ‘Little Big Soldier’ ni Jackie Chan. Kwentong digmaaan tungkol sa isang simpleng mandirigmang nakahuli ng isang general na ang pakay nya sa paghuli ay para magkareward at maexempt na sa military service. Maganda, nakakatuwa, maaksyon at xempre nandun pa rin yung Jackie Chan na nakakatawa pero kalungkot yung ending, ang tragic kasi. Namatay si Jackie Chan sa pelikula!

 

 

Kanina (pagkagaling ko Mt. Olympus) nakahanap ako ng oras para manood sa DVD. Marami akong pinagpilian… isa na doon ang Iron Man 1. Gusto ko sanang mapanood ulit ang IM1 kasi malay ko baka sakaling mapanood ko yung Iron Man 2. E di madali kong marerelate yung 2 sa 1.

Pero nakatawag- pansin sa akin yung DVD na may mukha ng kulay asul na alien, ang AVATAR. Napanood ko na ‘to sa bus kaso di ko matapos- tapos kasi bago pa ang ending e nakakarating na ko sa lugar na bababaan ko. Para matapos na ang kwentong bitin, pinanood ko na ito with matching Boy Bawang at isang mug ng ice- cold Coke. (Ahhh! Sarap!)

 

Buong akala ko marerelax ako sa pelikulang ‘to pero BADTRIP ako nung mapanood ko. Di kasi ako umiiyak sa mga pelikula, pero kanina feeling ko isa ako sa mga Na’vi. Naiinis ako sa mga tao dun sa kwento. Totoo kasi. Minsan akala nating mga tao, alam na natin ang lahat sa mundo at nasa kamay na natin ang mga desisyon. Habang tumatalino ang tao, unti- unti nawawala ang respeto nya… sa kapwa, sa kalikasan at sa lahat ng bagay na may buhay. May ibang naghahari-harian at nagdudunung- dunungan sa mundong akala nya ay pag-aari nya. Umaabuso na din talaga ang mga tao. Wag na tyong lumayo pa, tingnan na lang natin ang mga nangyayari sa atin dito sa Pilipinas.

Ano na nga ba ang mahalaga sa tao ngayon? Power? Pera? Materyal na bagay? Kasikatan?

Nakakalungkot isiping may mga iba sa atin na nabubulag at tuluyan ng nagpalamon sa magnet ng kamunduhan.

Pero pwede pa namang magbago. Sana lang hindi pa huli ang lahat para sa atin. Sana.

Photo Source: The World Wide Web

Advertisements
 
8 Comments

Posted by on May 1, 2010 in Buhay-buhay, Sining

 

8 responses to ““I see you.”

  1. kikilabotz

    May 1, 2010 at 10:14 pm

    hindi pa naman huli ang lahat kung magsisimula na tayo ngayon. hehe

     
    • curiousclaw

      May 2, 2010 at 2:37 pm

      sana nga.

      marami-rami na rin kasing mga bagay ang nagawa na at kasalukuyang ginagawa pa ang irreversible na at lalong nagpapalala ng kasalukuyang kalagayan ng lipunan… anjan ang rapid urbanization, globalization, rapid development ng technology at kung ano- ano pang mga bagay.

       
  2. duking

    May 3, 2010 at 6:02 pm

    adik ako sa pelikula.yan ang libangan ko.hindi ko pa napapanood yang kay jackie chan na yan.whaaaa!

    yung DVD ng ‘band of brothers’ series,yun ang top1 sa akin kapag may napakahabang oras ako para manood.ganun din yung ‘the pacific’ series.mahilig kasi ako sa war films.i think gusto kong maging sundalo kung may siyam na buhay ako.kaso hindi ako pusa kaya kuntento na lang akong panoorin ang gyera sa comport ng sofa.

    add kita sa blogroll ko.the least i can do para makabalik ng madalas dalas sa lugar mo.salamat!

     
    • curiousclaw

      May 3, 2010 at 10:17 pm

      duking!!! waaaw! thanks sa muling pagbisita sa bakuran ko at isang karangalan ang mapasama sa blogroll ng hari ng mga doodles! soooobrang thank you! pede pa-hug? hehe 😉

      sori pala bro dun sa pelikula ni jackie chan ha, spoiler ako sa ending nung story. nabasa ko kasi sa dyaro kahapon na ‘coming soon’ pa lang pala ang ‘little big brother’ dito sa ‘pinas 😀 pero panoorin mo pa rin, siguradong iba ang dating kapag sa widescreen pinanood. hehe buti ka pa madaming time manood, inggit ako. 🙂

      uy buti na lang pala di ka pusa, este, nagsundalo kundi wala sanang mag-eexist na blog na may cute at funny na mga doodles na makakapagpangiti sa marami.

      salamat ulit!

       
      • duking

        May 5, 2010 at 11:34 pm

        hahaha.no problem.sneak peek na lang kunwari yung spoiler.papanoorin ko talaga yan.

         
  3. sHy

    June 7, 2010 at 7:41 pm

    him

    d ko pa napanuod ung AVATAR. seems interesting! 🙂

    To GOD be the glory till eternity! 🙂

     
    • curiousclaw

      June 7, 2010 at 10:05 pm

      hi sHy,

      try mo panoorin yun AVATAR. it will surely move you. after watching it, i bet maisasama mo xa sa listahan ng top ten fave movies mo. 😉

       
  4. Eto

    August 4, 2010 at 12:30 am

    Apir tayo! Hay, I loved Avatar, too. And, malakas din ang impact sa akin ng movie. Kahit pa sabihin na mas pinaganda at pina-complicate lang siyang version ng Pocahontas, ganu’n din naman kasi ang effect sa akin ng Pocahontas, eh. Sobrang feel na feel ko pati ‘yung mga dialogue ng mga Na’vi talaga. 🙂

    Dahil hindi ako familiar sa Little Big Soldier at binase ko rin sa unang tingin ko sa poster, akala ko unano si Jackie Chan sa movie. Hehe:)

    Ewan.

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: