RSS

Monthly Archives: December 2009

Pasko 2009

Pasko na!

Ang Pasko ay higit na sumasaya
Kapag ang pamilya ay magkakasama;
Pero Pasko ko’y naging  mas maligaya
Dahil ilang oras bago ang noche buena
Tawag mo ako’y sinorpresa
Di ko inaasahang ako’y iyong maaalala…

Maligayang Pasko sa lahat!

 
Leave a comment

Posted by on December 25, 2009 in Uncategorized

 

Bus Ride

Lunes. As usual, byahe nanaman.

Hmmph! Kung bakit ba naman kasi pinagbawal pa ni BF na magpick-up ng pasahero sa EDSA ang mga provincial buses, ‘yan tuloy kailangan ko pang pumunta sa Bus Terminal sa Buendia. Bukod sa dagdag oras sa byahe, dagdag pa sa gastos sa pamasahe. Hassle talaga. Hanggang ngayon di ko pa rin ma- appreciate yung styling na ginawa niya sa EDSA. Nakakaawa yung mga senior citizen at yung mga taong madaming baktot na gamit, hirap na hirap kasi sila kapag lumilipat from city bus to provincial bus or vice versa. Hay naku, napapabuntong- hininga na lang ako! Pero dahil nananaig pa din ang pagiging law abiding citizen ko, pinagtitiyagaan ko nalang ang pagbyahe mula Boni papuntang Buendia. Sumasabay ako sa bunso kong kapatid na paboritong sakyan ang ordinaring MALTC na bus. Habang binabaybay ng MALTC ang kahabaan ng EDSA at Ayala, ginawa naming past time ang panonood sa kanyang bagong music phone ng mga music videos ni Michael Jackson.

Sa Ceres ako sumasakay ng byaheng Lipa-Tanauan-Batangas. Kanina pag- sakay ko sa bus, pinili kong umupo sa tatluhan, wala na kasing bakante sa dalawahan saka ayaw ko din namang pumuwesto sa bandang dulo medyo matagtag na kasi dun banda, masakit na sa katawan pagnagbibiyahe.

Meron ng isang nakaupo sa pupwestuhan ko. Tumabi ako sa kanya. Sa dulo ng upuan, sa may bintana, nakapatong ang dala niyang maliit na bag. Maya- maya ay unti- unti na ring napuno ang bus hanggang sa may isang aleng tumabi sa akin. Wala na ata s’yang ibang choice. Umurong ako ng konti para makaupo ng maayos ang ale sa tabi ko. Hinihintay kong aalisin ng katabi ko ang bag na nakalagay sa gilid n’ya para kaming tatlo ay komportableng makaupo. Pero dedma lang s’ya. As in care niya sa universe kung nagsisiksikan at super-mega close na kaming dalawa nung ale, basta s’ya at ang kanyang bag ay seating pretty sa may bintana.

Imbes na mainis, napangiti pa ako. Bigla kasi kitang naalala… parang ikaw lang kasi yung katabi ko. Ganung- ganun ka kasi tuwing bibyahe tayo noon papuntang Pila. Malimit din kasi tayong umupo sa tatluhan pero ayaw mo na me sisingit pa sa inuupuan natin kasi ayaw mong kinakalong yung bag mo o yung mga gamit mo kasi nabibigatan ka. Minsan pa nga sabi mo, care mong mahirapan ang katabi ko, kasalanan n’ya, mali siya ng piniling upuan. Ang sungit mo pala talaga. Naisip ko tuloy kung naiisip mo din kaya na nasisikipan din ako kapag di mo kinakalong ang bag mo? At bukod pa pala sa nabibigatan ka sa bag mo, ang isa pa nga palang dahilan kung bakit ayaw mo magpaupo ay dahil… hate na hate mong madikitan o masagi ng ibang tao ang skin mo, lalong- lalo pa ng mga strangers. Stranger pa ako sa’yo noon kaya di ko pa alam na me ganung factor pala. Subalit ganun pa man, na- eenjoy ko pa rin ang dalawang oras na byahe lalo kapag nakakatulog ka na, nakakatuwa ka kasing pagmamasdang naghe-headbang (with matching shades yun, takot na takot ka kasi sa araw) kahit hindi rock ang music, minsan nga wala talagang music e, mega headbang ka pa rin. Tapos kapag nagigising ka dahil tumama yung ulo mo sa salamin ng bus, medyo kinakabahan ako kasi kala ko nagka-amnesia ka na at tuluyan mo na akong tanungin… “Sino ka!?”

Hmmm, nakakabilib nga talaga ang tibay ng helmet mo. (*blink *blink)

Ano ba yan?! Naalala nanaman kita.

Sana dumating yung araw na makasakay ulit kita sa bus kahit hindi byaheng Pila.

Photo Source: The World Wide Web

 
1 Comment

Posted by on December 21, 2009 in Uncategorized